Ipinaalala ng Comelec sa publiko na sa Aug. 31 na ang deadline ng kanilang Register Anywhere Program para sa 2025 national and local elections.
Sinabi ng Comelec na mayroong hanggang katapusan na lamang ng buwan ang mga aplikante para mag-rehistro sa mga designated sites sa kani-kanilang lugar upang makaboto sa halalan sa susunod na taon.
Ang satellite registration sites ay bukas simula Lunes hanggang Sabado, kabilang ang holidays, alas-8 ng umaga hanggang ala-5 ng hapon.
Maari rin mag-apply ang deactivated voters para sa reactivation sa mga satellite registration site, pati na ang overseas voters na nasa bansa para sa 2025 midterm elections.
Sakaling hindi umabot sa Register Anywhere, inihayag ng poll body na puwede pa ring magpa-rehistro sa alinmang Comelec office hanggang sa Sept. 30.