Hinihintay ng Philippine National Police ang formal reports ng kanilang regional offices sa mga lugar na itinuturing na “crime-prone.”
Kasunod ito ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa PNP na tukuyin ang mga “hotspots” sa bansa.
Sinabi ni PNP spokesperson, PCol. Jean Fajardo na sa pagtukoy sa “crime-prone” areas, tinitingnan ng mga otoridad ang “daily crime statistics,” pati na ang pagmonitor sa “eight focus crimes” sa mga lokalidad.
Ang hakbang ng pambansang pulisya ay bunsod ng sunod-sunod na pag-atake laban sa mga lokal na opisyal, na ang pinakahuli ay ang pamamaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo.
Inihayag din ni Fajardo na iniimbestigahan pa ng Criminal Investigation and Detection Group ang motibo sa pagpatay sa gobernador, bagaman mayroon na silang posibleng leads sa kaso.