Pinabulaanan ni Bukidnon Rep. Keith Flores, ang balitang ire-refile sa susunod na Kongreso, ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa isang interview sinabi ni Flores na hindi napag-uusapan ang bagay na ito, sa hanay ng mga prosecutor.
Si Flores ay kabilang sa 11-man House prosecution team, na sasabak sa impeachment trial.
Puspusan umano, ang kanilang paghahanda sa mangyayaring trial sa Senate impeachment court, kaya walang sense na pag-usapan ang refilement.
Una nito sinabi ni Senator-elect Erwin Tulfo, na may dalawang kongresista, ang nagsabi sa kanya na ire-refile ang complaint sa susunod na Kongreso.