dzme1530.ph

Red carpet para sa SONA 2025, hindi na ilalatag

Loading

Hindi na maglalatag ng red carpet ang Kamara de Representantes sa darating na Lunes para sa ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr..

Sa unang memorandum na inilabas ni House Secretary General Reginald Velasco ngayong araw, nakasaad na mananatili pa rin ang red carpet ngunit limitado na lamang ito para sa ingress at official protocol.

Gayunpaman, nagpasya ang Kamara ngayong hapon na tuluyang alisin ang red carpet bilang tugon sa mungkahi ni incoming House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na gawing simple ang SONA ngayong taon.

Giit ni Romualdez, hindi nararapat na tila magpa-fashion show ang mga mambabatas sa red carpet habang maraming Pilipino ang kasalukuyang apektado ng pagbaha dulot ng bagyo at habagat.

Sa halip na red carpet, tanging mga cordon o lubid na lamang ang inaasahang makikita sa Lunes sa pagdaraos ng taunang SONA.

About The Author