Dumipensa si Sen. Imee Marcos sa realignment o pagpapalipat ng P13-B pondo ng Department of Social Welfare and Development para sa 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program.
Iginiit ni Marcos na ang kanyang aksyon ay naglalayong maiwasang ibalik sa National Treasury ang pondo.
Ito anya ay makaraang ihayag ng DSWD sa kanilang budget hearing na 45% pa ng budget para sa 4Ps noong nakalipas na taon ang hindi pa nagagamit
Inirekomenda anya niya na ilipat ang P8-B patungo sa ibang program ng DSWD na mabilis nilang naipapatupad tulad sa supplementel feeding program, quick response fund para sa kalamidad at sa AICS o Assistance to Individual in Crisis Situation
Dahil dito, sa halip na malusaw o mabalik sa national treasurey, naisalba at napakinabangan ng maraming mahihirap ang pondo
Ang pagbabawas naman anya ng P5 bilyon sa AICS ay nangyari matapos irekomenda na ipasok ito sa bersyon ng Senado sa budget, ngunit tinanggal ito pagdating sa bicam dahil sa kakulangan ng fiscal space matapos ang pandemya.
Ginawa ni Marcos ang paliwanag bilang tugon sa paratang ni House Appropriations Vice Chairman Jil Bongalon na dahil sa realignment, nasa 800,000 na mahihirap na pamilya ang hindi nabigyan ng ayuda noong 2023.