Iminungkahi ni Rizal Cong. Fidel Nograles ang re-calibration ng PNP policy sa harap ng panibagong karahasan na kinasangkutan ng isang pulis.
Dismayado si Nograles, chairman ng Committee on Labor and Employment sa pagkamatay ng kinse anyos na si John Frances Ompad ng Montalban Rizal sa kamay ng isang police.
Kailangan na umanong mag-back to school ang mga pulis dahil tila nalilimutan na ng mga ito ang motto na “to serve and protect.”
Hindi aniya maaari na “shoot first” ang policy ng PNP sa tuwing may police operation na nagreresulta sa karahasan.
Sa imbestigasyon, nitong August 20, napatay ni Police Corporal Arnulfo Sabillo si Ompad habang nagsasagawa ng Oplan Sita, subalit ang pulis ay nakainum umano at naka civilian cloths.
Giit ni Nograles, dapat taga-pagtanggol ng sibilyan ang mga pulis at hindi executioner. –sa ulat ni Ed Sarto, DZME News