dzme1530.ph

RBH no. 7, tatalakayin ng Kamara ngayong Miyerkules

Sisimulan na ngayong araw ang pagtalakay ng Kamara sa Resolution of Both Houses no. 7 na layong amyendahan ang economic provisions ng 1987 Constitution.

Sa Sesyon kagabi inaprubahan ang mosyon para i-constitute ang Kamara bilang Committee of the Whole sa gagawing pagdinig sa RBH no. 7.

Si Speaker Martin Romualdez ang tatayong Chairman ng Committee of the Whole, Senior Vice Chair si House Majority Leader Manuel Dalipe, Jr. at Vice Chairmen sina Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales, Jr. at Deputy Speaker David Suarez.

Mamayang ala-1 ng hapon, magsisimula ang pagdinig ng Committee of the Whole.

About The Author