Walang pinagkaiba sa bersiyon ng Senado ang Resolution of Both Houses No. 7 na isinulong ng mga Kongresista.
Ayon kay Pampanga 1st District Representative at Senior Deputy Speaker Aurelio Dong Gonzales, Jr. sa Franchise Ownership at Education 60-40 rin ang hatian; habang sa Advertising industry 70-30 ang nakapaloob sa RBH No, 7.
Gayunman, binibigyan umano ng discretion ang Kamara na i-adjust ang percentage of ownership sa franchises, educational Institution at advertising industries.
Sa paraan o mode ng gagawing pag-amyenda, gagamitin ang Constituent Assembly o Con-ass pero ang botohan ay ‘Joint Voting’ o 3/4 votes of all its members.
Ayon kay Gonzales sasabayan na nila ang Senado sa pagtalakay dahil sinabi na rin ni Senate President Juan Miguel F. Zubiri na matatapos nila ang RHB No. 6 bago ang Holy Week o ngayong Marso.
Pagdidiin pa ni Gonzales, walang political provisions ang RHB No, 7.