Titiyakin ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada na maisasama sa prayoridad ng Senado sa kanilang 3rd regular Session ang ratipikasyon ng Reciprocal Access Agreement (RAA).
Sa gitna ito ng kumpiyansa ng senador na ang paglagda sa kasunduan patunay ng commitment ng Japan at Pilipinas na itaguyod ang rules-based international order, lalo na sa pagresponde sa regional security threats.
Welcome development para kay Estrada ang anumang partnership na makapagpapalakas ng ating relasyon sa isang regional partner.
Bukod sa pagkakaroon ng joint military exercises, ang RAA aniya ay mahalaga pagdating sa humanitarian assistance at disaster relief.
Samantala, tiniyak ni Senate Committee on Foreign Relations Chairperson Imee Marcos na titiyakin niyang bubusisiing maigi ng kanyang kumite ang RAA para matiyak na nakalinya ito sa national interest ng Pilipinas.