dzme1530.ph

Ranggo ng Pilipinas sa World Press Freedom Index, tumaas!

Umakyat ang ranggo ng Pilipinas sa listahan ng World Press Freedom Index ng Reporters Without Borders (RSF).

Tumaas sa rank 132 mula sa 147 noong nakaraang taon ang bansa na itinuturing na pinakamataas na ranking sa loob ng anim na taon bagaman nasa “difficult” level pa rin ito para sa mga mamamahayag.

Naungusan ng Pilipinas ang mga bansang Hong Kong, Brunei, Cambodia, Laos, Myanmar, Vietnam, China, at North Korea.

Kasunod nito, iginiit ng National Union of Journalists in the Philippines (NUJP), na nangangahulugan ito na ang media sa Pilipinas ay napakasigla sa kabila ng mga pag-atake ng ibang grupo at patuloy na harrasment sa mga mamamahayag at media outlet.

Samantala nanawagan naman ang Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP) sa pamahalaan na magpatupad ng mga hakbang upang masiguro ang kalayaan ng pamamahayag. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author