Hinimok ni Senate Minority Leader Vicente “Tito” Sotto III ang liderato ng Senado na isailalim sa random drug test ang kanilang mga empleyado.
Sinabi ni Sotto na noong siya ang Senate President noong 18th Congress, nagpatupad siya ng random drug testing upang matiyak na drug-free ang kanilang workplace, subalit natigil ito nang matapos ang kanyang panunungkulan.
Ipinagmalaki ni Sotto na sa kanilang drug testing noon, nagnegatibo ang lahat ng 300 Senate employees na sorpresang napili.
Nagnegatibo rin, aniya, ang mga senador na boluntaryong nagpasuri.
Nabuhay ang mungkahi sa gitna ng isyu sa umano’y staff ni Sen. Robin Padilla na hinihinalang humithit ng marijuana sa loob ng Senate Building.
Sa incident report ng Senate Sergeant-at-Arms, tinukoy ang iniimbestigahang staff na si Nadia Montenegro dahil siya lamang ang nakitang galing sa ladies’ room na pinagmulan ng sinasabing amoy ng marijuana.