dzme1530.ph

Random drug test sa lahat ng incumbent at appointive officials, nais gawing batas ng isang senador

Loading

Nais ni Sen. Raffy Tulfo na maging ganap na batas ang pagsasagawa ng random drug testing sa lahat ng incumbent elective at appointive officials sa layuning mapalakas ang integridad at accountability sa gobyerno.

Tiniyak ni Tulfo na sa pagbalangkas nila ng panukala ay ikukunsidera nila ang ruling ng Korte Suprema na nagsasabing unconstitutional ang pagsasagawa ng mandatory drug tests sa lahat ng election candidates.

Kaya hindi aniya nila isasama sa panukala ang pagsasagawa ng drug testing sa mga election candidates at tututok lamang sa mga kasalukuyang opisyal.

Binigyang-diin ni Tulfo na dapat maipakita ng mga government officials ang highest standards of conduct hindi lamang para sa tiwala ng publiko kundi upang igiit na walang puwang sa public service ang pag-abuso.

Kung wala aniyang tinatago, walang dapat ikatakot lalo na’t layun nito na protektahan ang integridad ng institusyon.

About The Author