dzme1530.ph

RAMIL MADRIAGA, POSIBLENG SUSI PARA MAKILALA SINA MAY GRACE PIATTOS, AT KOKOY VILLAMIN, AYON KAY CONG. RIDON

Loading

Tiwala si Bicol Saro Party List Rep. Terry Ridon na posibleng si Ramil Madriaga ang magsilbing susi para makilala kung totoo sina Mary Grace Piattos, Kokoy Villamin at iba pang pangalan.

 

Sina Mary Grace Piattos at marami pang iba ay beneficiaries ng P612 million confidential funds ng OVP at DepEd.

 

Ayon kay Ridon, insider si Madriaga at familiar siya sa handling ng confidential funds, kaya maipaliliwanag niya kung paano nakapasok ang mga kwestyonableng pangalan sa liquidation documents na isinumite ng OVP sa COA.

 

Naging intresante ang mga pangalan sa liquidation documents ng maglabas ng sertipikasyon ang Phil Statistics Authority o PSA na walang nag match alin man sa marriage o death records ang mga pangalang sinuri.

 

Ilan sa mga pangalang kinuwestyon ni Deputy Speaker Paolo Ortega ay sina Honeylet Camille Sy, Feonna Biong, Feonna Villegas, Joel Linangan, Fiona Ranitez, Erwin Q. Ewan, Ellen Magellan at Gary Tanada.

 

Kabilang naman sa tinaguriang “Budol Gang” sina Denise Tanya Escudero, Beth Revilla, Janice Marie Revilla, Diane Maple Lapid, John A. Lapid Jr., Clarisse Hontiveros, Kristine Applegate Estrada, Renan Piatos-Lim, Xiaome Ocho, Jay Kamote, Miggy Mango, Beverly Claire Pampano, Mico Harina, Patty Ting, Ralph Josh Bacon, Sala Casim, Cannor Adrian Contis, Kris Salon, Paul Salon, Amoy Liu, Fernan Amuy, at Joug De Asim.

About The Author