![]()
Para naman kay Akbayan Party List Rep. Chel Diokno, si Ramil Madriaga ang lumilitaw na pinakamahalagang testigo laban kay VP Sara.
Ayon kay Diokno, ang pagiging “bagman” ni Madriaga kay VP Duterte ay krusyal sa pag determina kung dapat makarating sa Senado ang impeachment complaints.
Sa sinumpaang salaysay ni Madriaga, nakasaad na may personal knowledge ito sa mga transaksyon gaya ng misuse ng confidential funds sa ilalim ng OVP at DepEd.
Kailangan umanong makita at marinig ng Committee on Justice sa mismong bibig ni Madriaga kung ano talaga ang alam nito sa mga nakalagay sa sinumpaang salaysay.
Aniya, kung wala naman siyang alam at haka-haka lang, para Diokno maaring hindi na matuloy ang kaso, pero kung lumabas naman na totoo, malaking bagay iyon ayon pa sa abogadong mambabatas.
