dzme1530.ph

RAMIL MADRIAGA AFFIDAVIT, POSIBLENG UNANG PAGTUUNAN NG PANSIN NG HOUSE COMMITTEE ON JUSTICE KAPAG GUMULONG NA ANG IMPEACHMENT VS. VICE PRESIDENT SARA

Loading

Posibleng unang pagtuunan pansin ng House Committee on Justice sa sandaling gumulong na ang impeachment hearing laban kay Vice President Sara Duterte ang Ramil Madriaga affidavit.

 

Kinumpirma ni Atty. Raymund Palad, abogado ni Madriaga na handa ang kanyang kliyente na dumalo sa impeachment hearing kung siya ay isu-subpoena o kaya’y anyayahan.

 

Ayon kay House Deputy Majority Leader Gil “Kabarangay Jr.” Acosta, sigurado siya na susuriin itong mabuti lalo na at bago pa lang sa articles of impeachment ang Madriaga affidavit.

 

Sa isang media forum sinabi ni Palad na hindi nila alam na gaga-timing “one of the grounds” ang affidavit, subalit handang-handa si Madriaga na humarap sa Karama man, Senado, o Ombudsman.

 

Laman ng affidavit ni Madriaga ang umano’y encounter niya kay Michael Yang, na dating adviser ni ex-president Rodrigo Duterte, at Ling Wei Xiong na kapwa sabit sa illegal drug at POGO, at naging financier diumano ni Vice President Sara noong 2022 elections.

About The Author