dzme1530.ph

Rally sa KOJC compound, na-disperse na; 18 katao, nahaharap sa kasong obstruction of justice

Labing walong miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ang inaresto makaraang i-disperse ng mga Pulis ang rally ng religious group sa harapan ng compound nito, sa Davao City.

Nabuwag na rin ng mga awtoridad ang barikadang inilatag ng mga tagasuporta ni Pastor Apollo Quiboloy sa lungsod.

Mahaharap ang 18 dinakip sa kasong obstruction of justice habang pinag-aaralan ng KOJC na kasuhan din ang mga pulis.

Sabado ng umaga nang sumugod ang nasa 2,000 pulis sa compound ng KOJC sa kalagitnaan ng rally ng mga miyembro nito, para isilbi ang warrant of arrest kay Quiboloy na nahaharap sa mga kasong Child and Sexual Abuse at Human Trafficking.

About The Author