dzme1530.ph

Rain or Shine, pinayuko ng Anyang KGC sa nagpapatuloy na Jones Cup sa Taiwan

Matapos matakasan ang Iran, nakalasap muli ng pagkatalo ang Rain or Shine sa Korean Basketball League champion na Anyang KGC sa ginaganap na William Jones Cup, sa Taipei Heping Gymnasium sa Taiwan.

Tinambakan ng Korean squad ang Elasto Painters sa score na 87-77.

Naglaro ang Korean club nang hindi kasama ang kanilang Filipino import na si Rhenz Abando, na naghahanda para sa kanyang national duty bilang miyembro ng Gilas Pilipinas na sasabak sa 2023 FIBA World Cup.

Ang Elasto Painters ay bumaba sa 1-5 win-loss record, habang ang Anyang ay umakyat sa to 4-1. –sa panulat ni Lea Soriano

About The Author