dzme1530.ph

RAIN na inilatag noong 2015, dapat i-update ni PBBM —Rep. Recto

Umapela si Deputy Speaker at Batangas Rep. Ralph Recto kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na i-update ang Roadmap to Address the Impact of El Niño (RAIN).

Ayon kay Recto ang RAIN ay isang comprehensive strategy paper na binuo sa ilalim ng administrasyong Aquino na may layong maproteksyunan ang food, health, safety at energy security sa pagtama ng El Niño noong 2015 hanggang 2016.

Dagdag ni Recto, target ng panawagan na ito na magkaroon ng epektibong aksyon ang pamahalaan laban sa El Niño para hindi maging malala ang epekto nito sa mga magsasaka at hindi makadiskaril sa suplay ng pagkain, tubig at enerhiya.

Giit pa ni Recto na sa kasalukuyan ay labis na ang pagdurusa ng sektor ng agrikultura dahil sa fuel at fertilizer crisis kaya dapat maawat ang nakaambang hagupit dito ng El Niño at iba pang uri ng masamang lagay ng panahon. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author