Dapat pabilisin muna ng gobyerno ang pagtatapos ng lahat ng railway projects sa bansa bago isulong ang total rehabilitation sa EDSA.
Ito ang binigyang-diin ni Sen. JV Ejercito makaraang ikatuwa ang naging hakbang ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na pansamantalang ipatigil ang EDSA Rehabilitation Project.
Kasabay ito ng panawagan para sa mas masusing pagsusuri ng benepisyong pang-ekonomiya ng naturang proyekto.
Sinabi ni Ejercito mas makabubuting hintaying maging operational ang North-South Commuter Line at Metro Manila Subway System bago ituloy ang EDSA Rehab.
Ilang ahensya na rin aniya ang umaming magdudulot ng mas matinding trapik sa Metro Manila ang rehabilitasyon.