dzme1530.ph

Raid sa POGO hub sa Pampanga, iginiit na isama sa imbestigasyon ng Senado

Hinimok ni Sen. Lito Lapid ang Senado na isama sa imbestigasyon ang pagsalakay ng mga tauhan ng Presidential Anti-Crime Commission (PAOCC) sa POGO hub sa Pampanga.

Ayon kay Lapid, kailangan malaman ang katotohanan kung sino ang tunay na nasa likod ng operasyon ng nasabing POGO.

Umaapela rin si Lapid sa mga mamamahayag na maging balanse at responsable sa kanilang inilalabas na impormasyon upang maiwasang madamay ang mga taong wala naman talagang kinalaman sa operasyon ng POGO sa Pampanga.

Nakikiisa rin si Lapid sa hangarin na protektahan ang pambansang interes at papanagutin ang mga taong sangkot sa illegal na POGO operation.

About The Author