dzme1530.ph

RAGE COALITION FOR TRUTH AND ACCOUNTABILITY, INILUNSAD NG MGA KAALYADO NG MGA DUTERTE

Loading

Pinangunahan ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte ang launching ng Reform Alliance for Good Governance and Accountability (RAGE) Coalition sa Club Filipino, sa San Juan City.
 
Present din sa naturang pagtitipon kahapon ang mga kaalyado at supporters ng pamilya Duterte, gaya nina Senador Bong Go at Robin Padilla.
 
Dumalo rin sina Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste, SAGIP Party-list Rep. Paolo Marcoleta, dating Executive Secretary Vic Rodriguez, at dating Press Secretary Trixie Cruz-Angeles.
 
Nagpadala naman ng audio message si Senador Ronald dela Rosa na noon pang Nobyembre ng nakaraang taon absent sa Senado.
 
Inilarawan ang koalisyon bilang malawak na multi-sectoral alliance na binubuo ng iba’t ibang political parties, civic organizations, at grassroots movements na nagkaisa para ipanawagan ang accountability at tugunan ang mahahalagang isyu na kinakaharap ng bansa.
 
Samantala, nanumpa na si Mayor Duterte bilang bagong pangulo ng Partido Demokratiko Pilipino-Laban ng Bayan (PDP-Laban), sa Davao City, kapalit ni Padilla.

About The Author