dzme1530.ph

Quota sa mga Pinoy na maaaring pumasok at mag-trabaho sa Czech Republic, itinaas sa 10,000

Itinaas ng Czech Republic sa 10,000 ang quota o bilang ng mga Pilipinong papayagang pumasok at mag-trabaho sa Czech Republic ngayong taon.

Sa press-briefing sa Malacañang, inihayag ni Foreign Affairs Assistant Secretary Maria Elena Algabre na interesado ang Czech Republic na hikayatin ang mas maraming Pilipino sa kanilang labor market.

Bukod dito, sinabi pa ni Alagabre na may shortage ang Europa sa working population, habang sumisigla naman ang kanilang tourism industry.

Kaugnay dito, simula umano sa Mayo, mula sa 5,000 ay itataas na sa 10,000 ang quota para sa Pinoy workers na maaaring mag-trabaho sa skilled at professional jobs sa Czech Republic.

Samantala, sa nakatakdang pag-bisita ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Czech Republic sa susunod na linggo, lalagdaan ang Joint Communique para sa Bilateral Labor Agreement.

About The Author