![]()
IBINASURA ng Senate Electoral Tribunal ang quo warranto petition na inihain laban kay Senador Erwin Tulfo dahil sa umano’y pagiging American citizen.
Agad namang nagpasalamat si Tulfo sa pagbasura ng SET sa petisyon na inihain ng dating mamamahayag at abogado na si Berteni ‘Toto’ Causing.
Pinasalamatan rin ni Tulfo ang kanyang legal team, sa pangunguna ni Atty. Karen Jimeno, na siyang humarap at nagtanggol sa kanya laban sa naturang reklamo.
Sinabi ni Tulfo na ang desisyon na ito ng SET ay direkta at malinaw na pagdidiin ng mga naunang dismissal ng COMELEC sa mga disqualification cases na paulit-ulit niyang isinampa at maging ng ibang indibidwal laban sa atin noong nangangampanya pa lamang tayo para sa 2025 Elections.
Tiniyak din ng senador, na ang naturang kaso ay hindi kailanman naging hadlang sa pagkakaloob ng tapat na serbisyo sa mga mamamayan.
