Walang nakikitang pagkuyog mula sa mga ahensya ng gobyerno si Senador Sherwin Gatchalian kay Kingdom of Jesus Christ leader Pastor Apollo Quiboloy.
Ito ay sa kabila ng magkakasunod na imbestigasyon ng Kamara, Senado, Department of Justice at ng mga local courts sa mga isyu laban kay Quiboloy.
Sinabi ni Gatchalian na ginagawa lamang ng mga ahensya ng gobyerno ang kanilang trabaho at nasa kamay ng kampo ni Quiboloy ang pagdipensa sa mga alegasyon sa kanya.
Sinabi ni Gatchalian na ngayong naglabas na ng warrant of arrest ang korte laban sa Pastor ay nararapat lamang na igalang ang proseso at wala itong dahilan upang takasan ang mga alegasyon sa kanya.
Iginiit ng senador na dapat na irespeto ng pastor sa pagkakataong ito ang judicial process dahil formal court na rin mismo ang may utos sa pagpapaaresto sa kanya.
Ito na aniya ang hinihintay niyang pagkakataon para madipensahan ang kanyang sarili sa aniya’y tamang venue.