dzme1530.ph

Quiboloy, nananalangin sa kabundukan ng Davao

Nasa kabundukan ng Davao si Pastor Apollo Quiboloy at nagdarasal para sa “divine guidance” habang patuloy na pinatatakbo ang kanyang Kingdom of Jesus Christ ministry, ayon sa isa sa kanyang legal counsels.

Sinabi ni Atty. Ferdinand Topacio, na nakipagpulong siya kasama ang iba pang miyembro ng legal team sa kontrobersyal na pastor sa Davao upang talakayin ang mga option hinggil sa posibleng pag-aresto kay Quiboloy ng Senado at Kamara matapos itong i-cite in contempt.

Inihayag ng abogado na pinag-usapan din nila ang ginagawang hakbang ng Kamara para kanselahin ang legislative franchise ng SMNI, na iginiit niyang hindi na pag-aari ng kanyang kliyente.

Inilarawan ni Topacio na napaka-kalmado lamang ni Quiboloy, kasabay ng pagbibigay diin na hindi nagtatago ang religious leader.

About The Author