Nilinaw ni Paranaque Cong. Gus Tambunting na kailangan pa rin ang presensya ni KJC Leader Apollo Quiboloy kahit aprubado na ng komite ang pagbawi sa prangkisa ng SMNI.
Ayon kay Tambunting, may iba pang resolusyon na kunektado sa SMNI ang nakabimbin sa Commitee on Legislative Franchises na dapat nitong harapin.
Nakiusap lang aniya ang abogado nito na si Atty. Ferdinand Topacio na bigyan siya ng pagkakataon hanggang Biyernes para kumbinsihin ang Pastor na magpakita sa Kamara.
Sa panayam ng DZME Kinse Trenta ang Radyo Uno, nilinaw ni Tambunting na pinagbigyan nila si Atty. Topacio sa kabila nang anim na beses niya itong inisnab kaya napilitan silang isyuhan ito ng subpoena.