dzme1530.ph

QUEZON CITY LGU, NHA, AT DHSUD, NAGKAISA UPANG TUGUNAN ANG KAILANGANG PABAHAY NG MGA NASUNUGAN SA NIA ROAD

Loading

Nagbabalik sa pageantry ang dating beauty queen na si Imelda Schweighart bilang kinatawan ng Kalibo, Aklan para sa Miss Universe Philippines 2026.

Binigyang-diin ni Imelda na ang kanyang pagbabalik ay hindi lamang para sa korona, kundi bilang boses ng mga ina.

Ayon sa beauty queen, dalawang taon na siyang naghahanda, partikular sa aspeto ng physical fitness at mental health.

Noong 2022, binago ng Miss Universe Organization ang kanilang panuntunan at pinayagan ang mga may-asawa at mga ina na lumahok sa kompetisyon.

Ayon kay Schweighart, ito ang nag-udyok sa kanya na muling sumabak dahil mas “transformed” anya ang isang babae kung may karanasan sa pagiging magulang.

Nakatakdang ganapin ang Miss Universe Philippines Coronation Night sa Mayo.

About The Author