Pumanaw na sa edad na 83 si Astrud Gilberto, ang Brazilian singer na umawit ng “The Girl from Ipanema” na isang worldwide sensation noong 1960s at nagpasikat sa bossa nova genre.
Si Astrud na tinaguriang “Queen of Bossa Nova” ay isinilang sa Salvador na kabisera ng Northeastern State ng Bahia noong 1940, at ikinasal kay Joao Gilberto na pioneer ng bossa nova genre na naunang pumanaw noong 2019.
Nakapag-record si Astrud ng 19 albums, bagaman maiksi pa lamang ang kanyang professional music experience nang pasikatin niya ang “The Girl from Ipanema” na kanta nina Tom Jobim at Vinicius Morales, at naging global smash dahil sa English verses, kasama ang American saxophonist na si Stan Getz.
Ang naturang version ang nagpakilala kay Astrud bilang kauna-unahang Brazilian na na-nominate sa Grammy at nanalo ng Song of the Year noong 1965. —sa panulat ni Lea Soriano