Bibisita sa Malacañang ngayong araw ng Miyerkules si Queen Maxima ng Netherlands, para sa pakikipagpulong kay Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr..
Alas-2 ng hapon inaasahang darating ang dutch monarch dito sa palasyo.
Si Queen Maxima ay nagsisilbi ring United Nations Secretary-General’s Special Advocate for Inclusive Finance for Development.
Bukod sa pangulo, inaasahang sasalubong din sa kanya si Executive Secretary Lucas Bersamin, Foreign Affairs Sec. Enrique A. Manalo, Special Assistant to the President for Investment and ECONOMIC affairs Frederick Go, Bangko Sentral ng Pilipinas Gov. Eli Remolona Jr., at iba pang opisyal.
Sa ngayon ay hindi pa ibinahagi ang paksa ng magiging pag-bisita.