Inilunsad na ng Light Rail Manila Corp. (LRMC) katuwang ang digital banking app na Maya ang QR code Ticketing System sa Light Rail Transit (LRT)-1.
Ayon kay LRMC President and CEO Juan Alfonso, ang bagong sistema na ito ay magpapaginhawa sa pagkokomyut ng mga pasahero kung saan maaari silang bumili ng single journey LRT-1 QR tickets gamit ang Maya app.
Isa-scan lamang ang generated QR code sa fast lanes sa lahat ng LRT-1 stations.
Giit ni Alfonso, nananatiling matatag ang pangako ng ahensya na pahusayin, gawing ligtas at contactless ang commuter experience ganundin ang bumuo ng sustainable transport solution.
Samantala ikinatuwa naman ni Transport Secretary Jaime Bautista ang inisyatibang ito ng LRMC dahil nagpapakita umano ito ng matagumpay na synergy sa pagitan ng mga pribadong operator ng LRT-1 at ang mandato ng serbisyo publiko ng DOTr. —sa panulat ni Jam Tarrayo