dzme1530.ph

Qatari Amir, darating sa Malacañang ngayong araw para sa bilateral meeting kay PBBM

Darating sa Malacañang si Qatari Amir Sheikh Tamim Bin Hamad Al Thani ngayong araw ng Lunes, Abril 22, para sa pakikipagpulong kay Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr..

Alas 9:30 ng umaga inaasahang darating ang Qatari Amir sa Palasyo, at bibigyan ito ng arrival honors sa Kalayaan Grounds.

Kasunod nito ay sasabak ang dalawang lider sa bilateral meeting kasama ang mga miyembro ng gabinete ng magkabilang-bansa.

Inaasahang kanilang tatalakayin ang relasyon ng Pilipinas at Qatar, partikular ang mga kooperasyon sa Labor, Climate Change, Trade and Investments, Energy security, edukasyon, kabataan, sports, at iba pa.

Bukod dito, inaasahang pag-uusapan din ang regional issues.

Ang pag-bisita sa Malacañang ng Qatar state leader ay bahagi ng kanyang dalawang araw na state visit sa Pilipinas na nagsimula kahapon.

About The Author