dzme1530.ph

Puwesto ni Romualdez, papalitan ngayong hapon

Loading

Naniniwala si House Deputy Speaker Ronaldo Puno na puwesto lamang ni Speaker Martin Romualdez ang papalitan ngayong hapon.

Kinumpirma ni Puno na nagpaalam na si Romualdez sa party leaders sa Kamara kaugnay ng pagbibitiw sa puwesto.

Bagaman si Isabela Representative Faustino “Bojie” Dy III ang napipisil na kapalit ni Romualdez, asahan pa rin umano ang botohan kung may ibang aspirante.

Sa ngayon, hindi pa nakikita ni Puno kung magkakaroon agad ng rigodon sa mga committee chairmanships at deputy speakers.

Binigyang-diin din nito = na nasa gitna ngayon ng trabaho ang Kamara sa pagbalangkas ng 2026 national budget, kaya hindi umano napapanahon na magbago ng pinuno ng mga komite.

About The Author