dzme1530.ph

PUV modernization sususpendihin ni Transportation Sec. Vince Dizon

Loading

Kinumpirma ni Senate President Francis Escudero na plano na ni Transportation Sec. Vince Dizon na suspindihin ang implementasyon ng Public Transport Modernization Program o Jeepney Modernization Program.

Sinabi ni Escudero na nakausap na niya si Dizon at sinabing sususpindihin ang programa habang hindi pa tapos ang pagrepaso rito.

Idinagdag ng senate leader na nabasa na rin ng kalihim ng DoTr ang posisyon ng Senado na nagrerekomenda ng supensyon sa programa.

Tinukoy ni Escudero ang inaprubahan nilang resolusyon na nananawagan sa ehekutibo na ipagpaliban ang full implementation ng modernization program sa gitna ng mga agam-agam ng mga jeepney driver at operators.

Nanindigan si Escudero na hindi pa handa ang mismong mga ahensya ng gobyerno sa pagpapatupad ng modernization program at wala pa ring pondo para rito.

About The Author