dzme1530.ph

Puslit na sigarilyo galing Indonesia, naharang ng PCG

Arestado ang dalawang Indonesian matapos na maharang ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang bangkang-de-motor sa Maasim, Sarangani province.

Sa report ng PCG, kinilala ang dalawang dayuhan na sina Fadli Machamud at Fajar Antanari, lulan ng motor banca na may kargang 20 kahon ng sigarilyo na nagkakahalaga ng ₱600,000.

Ayon sa PCG galing sa Tinakarang, Indonesia ang motorbanca na nasabat sa Barangay Taliac, Maasim, Sarangani Province.

Ang dalawang Indonesian ay dinala ng PCG sa Maasim Police Station upang sampahan ng kaukulang kaso,  habang inilipat naman  sa pag-iingat ng Bureau of Customs ang mga nakumpiskang smuggled cigarettes. —sa ulat ni Felix Laban

No photo description available.

About The Author