Pinayagang makapagpiyansa ni Czarina Encarnacion Samonte-Villanueva, presiding Judge Regional Trial Court Branch 36 ng Maynila na siya ring nag isyu ng arrest warrant laban kay Pura Luka Vega sa halagang P72,000 para sa kanyang pansamantalang paglaya.
Sa panayam ng DZME kay MPD Director PBGen Andre Perez Dizon, kinumpira nito na kasalukuyan ngayong nakakulong sa piitan ng detention facility ng Police Station 3 sa Manila si Pura.
Magugunita na inaresto ng Warrant and Intel Operatives ng Manila Police District (MPD) Station 3, ang drag queen na si Amadeus Fernando Pagente, alyas Pura Luka Vega, sa kanyang bahay sa Barangay 339 sa Sta. Cruz, Maynila nitong Miyerkules.
Kaugnay ito sa reklamo ng mga opisyal ng Hijos del Nazareno ng Quiapo na may kinalaman sa kasong immoral doctrines, obscene publications, exhibitions at indecent shows na ipinagbabawal batay sa Article 201 ng Revised Penal Code, as amended in Presidential Decree 960 and PD 969, in relation to Section 6 of Republic Act 10175, o ang Cybercrime Prevention Act of 2012. –sa ulat ni Felix Laban, DZME News