Inakusahan ng Chinese embassy si Lara na nagpapakalat ng pagkamuhi sa mga Chinese o sinophobia, pagpapalaganap ng takot sa komunismo, at pinalalala ang isyu sa West Philippine Sea para sa pompolitika nitong interes.
Ang paratang ay kasunod ng inihaing House Resolution 1666 ni Lara, upang imbestigahan ang pagdagsa ng Chinese students sa Cagayan.
Ayon kay Gutierrez, walang karapatang makialam ang China sa trabaho ng mga kongresista.
Bilang elected representative ng 3rd district ng Cagayan, may obligasyon aniya si Lara na tingnan ang katotohanan sa biglaang pagdami ng dayuhan partikular mga intsik sa kanyang lugar.
Dagdag pa ni Gutierrez, mistulang ipinapakita ng Chinese embassy na may otoridad sila na utusan ang mga kasapi ng Kongreso sa kanilang mga ginagawa.