dzme1530.ph

Pulis na nagwala at nagpaputok ng baril sa Lucena, Quezon, sinampahan na ng kaso

Loading

Sinampahan na ng patong-patong na kaso ang pulis na nagwala, nagbantang pumatay, at nagpaputok ng baril sa Lucena, Quezon.

Sa isang pulong balitaan, inihayag ni PNP Spokesperson BGen. Jean Fajardo na kabilang sa mga kasong isinampa laban kay Patrolman Rodolfo Avila Maglang-lawa, na nakatalaga sa Lopez Municipal Police Station, ay unjust vexation, grave threat, physical injury, at illegal discharge of firearms.

Ayon pa kay Fajardo, kasalukuyang nasa kustodiya na ng Lopez MPS si Maglang-lawa at agad na dinisarmahan.

Bukod sa mga kasong kriminal, haharap din ang pulis sa kasong administratibo at grave misconduct.

Matatandaang una nang iginiit ni PNP Chief Gen. Nicolas Torre III na walang puwang sa hanay ng pambansang pulisya ang mga abusado at tiwaling pulis.

About The Author