Isinailalim sa state of calamity ang Puerto Princesa City, sa Palawan, bunsod ng malawakang pagbaha dulot ng Shear line.
Sa pamamagitan ng deklarasyon, magagamit ng City Disaster Risk Reduction and Management Council ang ₱86 million mula sa quick response fund para sa disaster response operations, partikular sa mga biktima ng baha.
Mahigit 3,000 pamilya o 7,900 indibidwal ang naapektuhan ng baha sa Puerto Princesa City.
Una nang napaulat ang pagkasawi ng lima katao matapos tangayin ng rumaragasang baha ang kanilang sasakyan noong linggo.