Pinayuhan ng Cybercrime Investigation and Coordinating Council (CICC) ang publiko na balewalain ang mga tawag na nagbabantang sususpindihin ang kanilang SIM.
Modus ng mga fraudster o manloloko na takutin ang bitktima na sususpindihin ang SIM nito, bunsod ng illegal activities, gaya ng illegal recruitment para sa trabaho sa ibang bansa, online casinos, at human trafficking.
Ang malala pa, ayon sa CICC, ay nagpapanggap ang mga scammer na taga-Department of Information and Communications Technology (DICT).
Dahil dito, nanawagan si CICC Executive Director Alexander Ramos sa publiko na maging alerto sa lahat ng oras at huwag magpaloko sa mga nagpapanggap na nagta-trabaho sa DICT at iba pang mga ahensya ng pamahalaan. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera