dzme1530.ph

Publiko, pinaiiwas ng PNP sa paggamit ng mga ipinagbabawal na paputok

Ipinaalala ng PNP Civil Security Group (PNP-CSG) sa publiko na iwasan ang paggamit ng mga ipinagbabawal na paputok sa pagsalubong sa bagong taon upang matiyak ang kaligtasan at pagtalima sa batas.

Ayon sa PNP-CSG, kabuuang 28 ang ipinagbabawal na mga paputok, kabilang ang watusi, piccolo, five star, pla-pla, lolo thunder, at mga kakaibang uri, gaya ng super yolanda at goodbye chismosa.

Hinimok ng mga awtoridad ang publiko na piliin ang mas ligtas na paraan ng pagsalubong sa bagong taon, tulad ng panonood ng Community Fireworks Display.

Inihayag naman ng mga nagtitinda sa Bocaue, Bulacan, na kilalang bilihan ng mga paputok, na dumarami na ang gusto ng makukulay na aerial fireworks kumpara sa maiingay na firecrackers. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author