dzme1530.ph

Publiko, pinag-iingat sa mga scammer na gumagamit sa Malasakit Center

Loading

Nagbabala si Senate Committee on Health and Demography Chairman Christopher ‘Bong’ Go sa publiko kaugnay sa mga scammer na gumagamit sa Malasakit Center.

Sinabi ni Go na nakatanggap sila ng mga reklamo at report mula sa netizens kaugnay sa modus ng ilang scammers.

Kabilang sa mga naiuulat na scams ay ang paggamit ng pekeng Facebook account at page na ginagamit ang kanyang pangalan o ang Malasakit Center para manghingi ng personal information o one-time PIN (OTP).

Kabilang sa mga reklamo ay mula sa isang pamilya mula sa Calumpit, Bulacan na, sa gitna ng kanilang pagdadalamhati sa nakaburol na kaanak, ay pinagsamantalahan pa ng mga scammer gamit ang pangalan ng senador.

Panawagan ng mambabatas na maging mapanuri at huwag basta magtiwala sa kahina-hinalang link online o ibigay ang OTP code sa inyong mobile cash app account.

About The Author