dzme1530.ph

PUBLIKO, PINAG-IINGAT SA MGA PEKENG VACATION ACCOMMODATION SA PAPALAPIT NA SUMMER

Loading

Nagbabala ang Philippine National Police sa nagkalat ngayong modus sa mga vacation accommodation o staycation lalo na’t papalapit na ang summer.

 

Ayon sa PNP Anti-Cybercrime Group, inaasahang tataas ang ganitong mga insidente sa panahon ng Semana Santa.

 

Sa ngayon, may 29 na reklamo na ang tinanggap ng PNP sa unang dalawang buwan ng taon kaugnay sa fraudulent accommodation offers.

 

Payo ng pulisya na maaaring scam ang isang offer kung maituring itong ‘too good to be true’ o mas malaking diskwento ang ibinibigay.

 

Ipinapaalala sa publiko na maaari nilang beripikahin sa local government unit ng isang accommodation kung talaga bang nag-eexist ito.

 

Ang agad-agad na paghingi rin anila ng downpayment ay kaduda-duda.

 

Dapat din anilang suriing mabuti ang mga larawang ipinipost kung kopya lamang sa ibang websites.

About The Author