dzme1530.ph

PUBLIKO, PINAG-IINGAT SA CRYPTOCURRENCY AT IBA PANG ONLINE INVESTMENT SCAMS

Loading

Pinag-iingat ng Philippine National Police ang publiko sa cryptocurrency at iba pang online investment scams.

 

Ayon sa PNP-Anti-Cybercrime Group, nakapagtala sila ng 311 investment scam cases mula January 1 hanggang December 31, 2025. 

 

Sa naturang bilang, 12 ang may kinalaman sa cryptocurrency schemes.

 

Sinabi ni PNP Chief General Jose Melencio Nartatez na kadalasang nagsisimula ang modus sa pag-aalok ng mataas na balik ng investment upang marami ang maengganyo.

 

Sa una ay bibigyan umano ng pagkakataon ang biktima na makapag-withdraw ng investment upang makuha ang tiwala subalit kinalaunan ay iba-block na ang account. 

 

Hinimok niya ang publiko na palagiang suriin ang legitimacy ng mga online investment bago maglagak ng puhunan.

About The Author