Naniniwala si Senador Christopher ‘Bong’ Go na mahalaga ang hosting ng Pilipinas sa FIBA World Cup 2023 para sa pagtataguyod ng sportsmanship, international camaraderie at pagpapakita ng kagandahan ng Pilipinas sa buong mundo.
Sinabi ni Go, Chairman ng Senate Committee on Sports, na buo ang suporta niya sa naturang event.
Ipinaliwanag ng senador na ang hosting ng Pilipinas ng isang malaking sports event ay pagkakataon upang mai-promote natin ang ating bansa at mapalakas ang turismo sa Pilipinas.
Binigyang-diin ng senador na sa ilalim ng 2023 National Budget ay may dagdag na pondo para maging matagumpay ang hosting ng ating bansa ng FIBA World Cup.
kaugnay nito, hinikayat ni Go ang lahat ng mga Pilipino na suportahan ang Gilas Pilipinas National Basketball Team sa kanilang mga magiging laban.
Umaasa rin ang mambabatas na magkakaisa ang lahat para maging matagumpay ang torneyong ito.
Sa Biyernes, August 25, magbubukas ang FIBA World Cup kung saan 16 sa top 32 basketball teams sa buong mundo ang pupunta sa Pilipinas para sa group stages. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News