Hinikayat ng Department of Agriculture (DA) ang publiko na suportahan ang Kadiwa ng Pangulo (KNP) stores na nakakalat sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila hanggang sa susunod na linggo.
Inihayag ng DA na bukas ang KNP Stores sa iba’t ibang lokasyon hanggang sa March 27, Miyerkules Santo.
Ayon sa ahensya, ang KNP ay isang inisyatiba ng pamahalaan para bigyan ng libreng lugar upang makapagbenta ng kanilang mga produkto ang mga magsasaka at micro, small, and medium enterprises (MSMEs).
Una nang ginawang mas madali ng DA ang pagbebenta ng mahigit 160 tons ng highland vegetables sa pamamagitan ng veggie connect at iba pang market linkage program.