dzme1530.ph

Publiko, hinimok na maging vigilante sa kaso ng Mpox

Loading

MATAPOS makumpirma ang ilang kaso ng monkeypox, nanawagan si Senate Committee on Health Chairman Christopher ‘Bong’ Go sa publiko na maging vigilante at palakasin ang surveillance laban sa naturang sakit sa lahat ng rehiyon sa bansa.

 

Una nang kinumpirma ng Davao City Health Office na mayroong dalawang kaso ng sakit sa lungsod kung saan namatay na ang isang pasyente dahil sa kumplikasyon.

 

Sinabi ni Go na hindi dapat magpanic subalit mahalagang alam ng lahat kung paano mag-ingat.

 

Partikular na ipinaalala ni GO ang pag-iwas sa pagkakaroon ng physical contact sa mga taong may sintomas ng sakit; panatilihin ang madalas na paghuhugas ng kamay gamit ang sabon o alcohol; linisin at i-disinfect ang mga gamit o lugar na posibleng kontaminado; at umiwas sa mga hayop—lalo na sa mga mukhang may sakit—dahil puwede rin silang magdala ng virus.

 

Pinaalalahanan din ng senador ang publiko na sumunod sa health protocols at manatiling updated sa mga impormasyon kaugnay sa sakit.

 

Dapat din anyang maging proactive ang gobyerno sa pagresolba sa mga ganitong problema.

About The Author