dzme1530.ph

Publiko, hinimok na maging alerto sa kaso ng COVID-19

Loading

Hinimok ni Senate Committee on Health chairman Christopher ‘Bong’ Go ang mga Pilipino na maging alerto subalit kalmado sa gitna ng impormasyon na tumataas ang kaso ng COVID-19 sa ilang bahagi ng Southeast Asia.

Pinayuhan ni Go ang publiko na patuloy na sundin ang mga basic health protocol, lalo na sa mga pampublikong lugar at mga healthcare settings.

Kabilang na aniya rito ang pagsusuot ng face mask sa mga ospital, paghuhugas ng kamay at patuloy na pagbibigay halaga sa kalusugan.

Binigyang diin ng senador na marami na ang mga aral na natutunan noong pandemya.

Ipinunto rin ni Go na kahit pa sabihing ‘endemic’ na ang COVID-19 ay hindi nangangahulugan na wala na itong epekto.

kaya naman hindi aniya dapat maging kampante at dapat maging handa na tugunan ang anumang banta sa kalusugan.

About The Author