Muling nagpaalala si Sen. Christopher “Bong” Go sa publiko na doblehin ang pag-iingat upang maiwasan ang sunog lalo na ngayong Fire Prevention Month.
Sinabi ni Go na mahalaga ang kooperasyon ng mga bawat isa sa pagpapatupad ng mga proactive measures upang mabawasan o tuluyang maiwasan ang fire-related incidents.
Bukod sa immediate emergency response, iginiit ni Go ang long-term solutions upang mapalakas ang fire prevention and response capabilities sa buong bansa.
Iginiit niya ang pangangailangang maisulong ang modernization efforts ng Bureau of Fire Prevention sa ilalim ng Republic Act No. 11589, o BFP Modernization Act of 2021.
Sinabi ni Go na kailangan ng karagdagang kagamitan, firefighters, at monthly education campaigns para turuan ang ating mga kababayan na mag-ingat na nasa ilalim ng BFP Modernization Act.
Binigyang-diin ng seandor na ang sunog ay hindi lang aksidente, kadalasan ito ay resulta ng kapabayaan o kakulangan sa paghahanda kaya dapat patuloy anya itong tututukan sa pamamagitan ng mas maayos na kagamitan at mas maraming bumbero na handang rumesponde anumang oras.