dzme1530.ph

Publiko, hinikayat ng DOE na magtipid ng kuryente sa gitna ng nararanasang bagyo

Hinikayat ng Department of Energy (DOE) ang publiko na magtipid sa paggamit ng kuryente, sa harap ng malaking ibinaba ng suplay dahil sa nararanasang bagyo.

Ayon kay Energy Sec. Raphael Lotilla, bumaba ang suplay sa panahong hindi pa rin tuluyang nakare-rekober ang hydropower plants mula sa mababang suplay ng tubig.

Kaugnay dito, sinabi ni Lotilla na kina-kailangan ang kooperasyon ng lahat upang ma-minimize ang paggamit ng kuryente mula sa Luzon grid, at maibsan ang pag-dispatch ng oil-based power plants na may malaking gastos at dapat na nagsisilbi lamang na pansamantalang pagkukunan ng kuryente.

Tiniyak naman ng DOE na sinisikap na nilang maisaayos ang power suplay sa mga susunod na araw.

Mababatid na nagtaas ang National Grid Corp. of the Philippines ng red at yellow alert ngayong araw bunga ng numipis na suplay ng kuryente.

About The Author