dzme1530.ph

Publiko, dapat maging vigilante pa rin kahit inalis na ang deklarasyon ng Public Health Emergency 

Naniniwala si Senador Jinggoy Estrada na indikasyon na patungo na tayo sa recovery ang pag-aalis ng State of Public Health Emergency kaugnay sa COVID-19. 

Gayunman, dapat manatili pa rin anya tayong vigilante ang lahat ang sumunod pa rin sa health guidelines upang matiyak na magtutuloy-tuloy ang nasimulang hakbangin kontra COVID-19. 

Hindi anya ito dapat maging dahilan para manumbalik  sa nakagawian at bagkus, dapat isaisip ng bawat isa sa atin ang “new normal” at panatilihin ang pagiging maingat at responsable  sa  araw-araw na gawain.  

Kailangan anyang maging proactive sa mga hakbangin para protektahan  ang health and safety ng publiko. 

Idinagdag pa ng senador na dapat maging bukas ang pag-iisip ng lahat sa mga programa ng gobyerno gaya ng pagpapabakuna at pagsunod sa mga health protocols, kung kinakailangan, upang matiyak ang pangangalaga ng kapakanan ng ating mga kababayan. 

Ito ay bilang sukli na rin sa mga sakripisyong ginawa ng ating mga frontliners na nangahas na makipagsapalaran sa gitna ng krisis pangkalusugan na naranasan natin. —sa ulat ni Dang Garcia, DZME News 

About The Author